Sabado, Oktubre 24, 2015

Pangarap kong Panaginip

Ni Bridget S. Fabre

Sa isang bayang nginingitian ng haring araw tuwing umaga at sinisilip ng buwa’t mga bituin sa gabi ay masayang namumuhay ang mga tao. Gumigising sila araw-araw, umaasang maliwanagan ng araw ang kanilang kinabukasa’t makamtan ang kanilang pangarap na bituin.
“Claire, gumising ka na at kakain na tayo.” Sabi ng nanay ni Claire.“Opo ina.” Sagot ni Claire.Bumaba na si Claire at nagsimula nang kumain. Pagkatapos kumain ay lumabas siya upang pagmasdan ang ginagawa ng mga tao, tulad ng ginagawa niya kada umaga. Ngunit, nang kalaunan ay nabagot lang din siya dahil walang kakaiba ang nangyayari at katulad lang ng mga nagdaang araw.“Paulit-ulit nalang ang pinaggagawa nila, nakakabagot. Makatulog na nga lang ulit.” Sabi niya sa sarili at pumanhik na pabalik sa kanyang kwarto.Nagising siya dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha niya.“Anong oras na ba? Bakit ang liwanag na sa labas?” Tanong niya sa kanyang sarili.Bumaba siya at tiningnan ang nangyayari subalit nagulat siya sa kanyang nakita sapagkat lahat ng tao ay natuto nang magtrabaho.“Tara, magtrabaho na tayo.”“Oo nga tara, para makamit natin ang ating pangarap.” Ilan lang yan sa mga naririnig niyang usap-usapan. “Kung ito’y panaginip ay ayoko nang magising…” napakanta siya dahil sa tuwa.“Ngunit diba mas maganda ang mamuhay sa totoong mundo kesa sa isang panaginip?” sabi ng isang estranghero.“Sino ka? At oo mas mainam nga ang mamuhay sa totoong mundo ngunit kung ganito naman kaganda ang aking panaginip kung saan natutupad naming lahat an gaming mga pangarap ay mas mainam ng manatili nalang ako rito.” Sagot ni Claire sa estranghero.
“Hindi na importante kung sino ako, basta ang masasabi ko lang sayo, ang pagtupad ng pangarap ay parang pagkuha ng isang bituin mula sa kalangitan, wala kang mararating kung patuloy mo lang itong tititigan at makukuntento ka nalang sa pagtanaw rito, kaya gumising ka Claire. Gising Claire!”“Claire! Claire gising!”Nagising si Claire sa pagyugyog sabay sigaw ng kanyang ina.“Ayos ka lang ba anak?” tanong ng kanyang ina.“Opo ina, nanaginip lang po.” Sagot ni Claire.“O sige, bumaba na tayo at maghahapunan na.”Bumaba na sila at kumain na nag hapunan. Pagkatapos nilang kumain ay lumabas sila’t nakisali sa kasiyahang nangyayari. Nagsayawan ang lahat habang nakapalibot sa isang malaking sulo, tulad ng ginagawa nila gabi-gabi. Isa-isa silang pumunta sa gitna upang ipahayag ang kanilang mga pangarap sa buhay. Nang si Claire na ang magsasalita ay pumunta rin siya sa harapan at sinabi ang gusto niyang sabihin.“Pangarap kong umasenso sa buhay, katulad ninyong lahat. Ngunit may ginagawa ba tayong paraan upang matupad ito? Wala. Dahil nakuntento na tayo sa hanggang pangarap lang. kung gusto talaga nating maranasan kung paano talaga ang totoong mangarap, kailangan nating magsikap upang makamit ito. Dahil ang pagtupad ng pangarap ay parang pagkuha ng isang bituing nasa langit, mukhang imposible ngunit makakamtan natin ito kung magsusumikap tayo.”Pagkasabi niya sa mga salitang yun ay pumasok na siya sa bahay nila. Kinabukasan ay nagising siya dahil sa ingay na nanggagaling sa labas. Pagsilip niya sa bintana niya ay nagulat siya sapagkat nagtatrabaho na ang mga tao at unti-unti na nilang tinutupad ang kanilang mga pangarap.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento