Ang mapagkumbabang
Prinsipe
Ni Napoleon D. Cinco
Sa isang kaharian na
tinitirhan ng ntatlong prisipe at isang hari. Ang tatlong prinsipe ay maagang
naulila sa kanilang ina nang iluwal niya ang hul nilang kapatidkaya sinisisi
nila ang kanilang bunsong kapatid, ginawa nila itong alipin.
Isang araw naghahanda
ang buongpalasyo dahil may darating na bisita galing sa ibang palasyo at kasama
nila ang pinakamagandang prinsesa sa kanilang kaharian.
“Kunin mo nga ‘yung susuutin ko mamaya, plansyahin mo na
rin para maganda tignan”, sabi ng isang prinsipe sa bunso nilang kapatid.
“Puansan mo rin ang sapatos ko para makintab pagdating ng
prinsesa”, utos naman ng pangalawang prinsipe sa bunsong kapatid.
Pagdating ng prinsesa ay
agad sinalubong ng dalawang prisipe ang prinsesa. Nang kumakain na sila, ang
bunso nilang kapatid ay patagong tinitignan ang kagandahan ng prinsesa, pero
nang makita siya ng prisesa ay agad siyang
umalis.
“Pwede
po ba akong mamasyal sa palasyo n’yo?”, tanong ng prinsesa sa hari.
“Oo naman. Tawagin mo lang kami kung may kailangan ka”,
sagot ng hari.
Agad n’ya itong hinanap
at nakita n’ya sa isang sulok na nag-iisa.,
“Ano ang ginagawa mo dito?”, tanong ng prinsesa sa prinsipe.
“Nakakahiya naman po kung pupunta ako doon sa loob na
ganito ang itsura ko”, sagot ng
prinsipe.
“Sino ka ba?”, tanong ng prinsesa sa prinsipe.
“Ako ang bunsong kapatip ng dalawang prinsipe sa loob”,
sagot ng prisipe.
“Bakit hindi ka nakapaghanda?”, tanong ulit ng prinsesa
sa prinsipe.
“Ginawa kasi nila akong alipin kasi namatay ang ina
naming nang iluwal niya ako”, sagot naman ng prisipe.
Habang nag-uusap sila ay
napagisipan ng prisipe na aliwin ang prinsesa. Naglaro sila ng naglaro hanggang
sa hindi na namalayan ng prinsesa na uuwi na pala sila.
“Ay! Uuwi na pala kami. Sa susunod ulit, ang saya mo
palang kasama”, sabi ng prinsesa.
“Sige, salmat sa pagdalaw”, sabi ng prinsipe.
Mula noon ay parati na
silang nagsasama. Makalipas ang ilang taon ay nahulog na ang loob ng prinsipe
sa prinsesa, gayon din ang prinsesa sa prinsipe.
Nang nag-asawa na ang
kanyang mga kapatid ay kinuha na nila ang kanilang mga mana.
Makalipas ang
labing-limang taon ay nagdisisyon na rin ang bunsong prinsipe na magpakasal sa
prinsesa. Pero hindi gaya ng kanyang mga kapatid na kinuha ang kanilang mana.
Isang araw ay nagkasakit
ang kanilang ama sa puso at dahil sa katandaan ay hindi n’ya ito nakayanan.
Wala kahit isa sa kanyang mga kapatid ang tumulong sa pagpapalibing sa kanilang
ama kaya sa kanya napunta lahat ng kayamanan ng kanilang ama.
Makalipas limang taon ay
bumalik ang dalawa n’yang kapatid dala ang kanilag mga asawa na nagmamakaawa na
patuluyin sila sa kaharian dahil naubos na ang kanilang pera.
“O, bakit kayo naparito?”, tanong ng bunsong kapatid sa
kanyang dalawang kapatid.
“Pwede ba kaming makituloy sa palasyo?”, pakiusap ng
dalawang kapatid sa kanilang bunsong kapatid.
“Bakit hindi? Bahay natin ‘to, pasok na kayo”, sabi ng
bunsong prisipe.
Hangang-hanga ang dalawa n’yang kapatid dahil sa
lahat ng pasakit at hirap na binigay sa kanya ng kanyang mga kapatid ay nakuha
pa n’ya itong tanggapin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento