Isang Kidlat
ni Millenio V. Dela Cruz
Umabot na ba kayo sa isang pun to ng inyong buhay na kayo'y nawalan ng pag-asa?Wala na kayong maibuga, pilit ina-abot ang isang bagay na imposibleng makuha?Uumpisahan natin ang kwento sa sang munting bahay.Nakakabinging tunog ang bumungad sa isang binatilyo, ito na ang ikatlong alarm nag kaniyang alarm clock, tila walang imik ito at mistulang tulo laway pa sa himbing ng kaniyang pagkaka tulog.'Rinig niya ang tunog ng dagundong ng sahig na papalapit sa kaniyang maliit na kwarto.Isang dabog na lika ng malakas na pag-bukas ng pinto sabay isang boses ang maririnig na likha ng kaniyan nanay;
"Hoy!Gumising kana!Ano?!papasok ka ba o hindi?! ay anak ng..." Malakas na pagbigkas ng kaniyang nanayu na tila mas maingay pa sa kaniyang alarm clock.
Unang araw sa eskwela g binatilyo.Muntik pa siyang masirhan ng pinto sa skwela dahil ilang oras na siyang late.Nagmumukhang red carpet ang kanilang hallway dahil mag-isa lang siyang naglalakad na parang walang paki-alam sa oras.Nakapasok na siya sa kanilang classroom at maririnig mo ang mga bungisngis ng mga kaklase niyang babae,dahil dito ay napansin siya ng professor niya at sinabihang;
"Abay, ang aga niyo naman po, munting ginoo" Sarkastikong sabi ng kaniyang professor.
Nabaling ang atensyon ng kaklase sa kaniya at lalong ang isang magandang babae na naka-upo sa sulok.Agad-agad niyang napansin ang babaeng maputi,mataas ang buhok at singtangos ng mt. Apo ang ilong.
Naka-upo ang mga estudyante at inutusan ng professor na isa-isang magpakilala sa estudyante.
Iba't-ibang klase ng estudyante ang nagpakilala, may mga Middle class,Upper,at karamihan ay lower class na mag-aaral, halo halo ang klase na tao sa kanilang classroom,ngunit sa isang babae lang talaga nabaling ang tingin ng binatilyo.Nagpakilala na ang binatilyo at pahirit niyang linya na
"Di bale ng ma late basta kumpleto ang tulog" wika ng binatilyo na tila nagpapatawa.
Naghalakhakan ang buong klase,sumabay na rin ang kaniyang professor ngunit walang makakatumbas sa saya ng binatilyo nang makita niya ang babae na ngumiti sa kaniya.
Pagkatapos ng klase ay nagpakilala ang binatilyo sa babae, Sa una ay medyo nagkaka-ilingan pa ang dalawa ngunit tumagal ay naging komportable din sila sa isa't isa.Nag bago ang binatilyo ng kaniyang ugali dahil sa babae at hanggang noon ay hindi na siya na late sa klase.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento