Ang Plano
Ni Alyanna Marie A. Rivera
Sa buhay may maraming pagsubok ang binibigay ng Diyos
sa atin. Kung minsan nga hindi natin alam kung bakit natin ito nararanasan “it’s
either a blessing or a curse” pero ang sigurado diyan ay hindi ito ibibigay ng
Diyos kung hindi ito makakatulong sa atin o maging gabay upang magtagumpay tayo
sa buhay. Dahil sa mga pagsubok ay unti-unting nawawala ang tiwala sa Diyos at
sinisisi natin Siya sa lahat ng kamalasan sa buhay natin pero dapat tayong maniwala
na may plano ang Diyos para sa atin at may dahilan kung bakit natin ito
nararanasan at iiyak ka nalang at magpapasalamat kasi binigay ng Diyos ang
pagsubok na iyon sayo na kundi dahil dun hindi ka magtatagumpay.
Unang araw ko sa klase bilang isang Grade 1 na
estdyante sa Manila Integrated School, hindi ko maipaliwanag ang aking
nararamdaman tila lalabas na ang puso ko sa kaba, basang-basa na ang aking
kamay sa pawis ng kanyerbyosan at parang may isang mabigat na bagay sa aking
katawan na naging dahilan upang hindi ako makakilos. Patingin-tingin ako sa
paligid habang hawak ko ang kamay ng aking
Ama at pinasok niya ako sa isang kwuarto
na maraming bata.At lumabas ang isang babae.
Sabi ng Ama ama ko, “oh, Anna magpakabait ka ha, aalis
muna ako babalikan kita mamaya” wika ng Ama ko, ‘’Opo, Pa.” wika ko naman,
pagkatapos sinabihan ako ng isang babae na “ halika na ,Anna? Pasok na tayo ako
pala ang iyong guro.”
Hindi ko alam kung bakit hindi ako umiyak nang iniwan
ako ni Papa, ang nararamdaman ko lang ay kaba sobrang kaba. Nang pumasok na ako
sa kwuarto na maraming bata ay pinaupo ako ng guro naminsa isang silya at
katabi ko ang mga bata na kasing edad ko lang. Maya-maya ay biglang may
sumigaw, sigaw na pumukaw sa aking mga tenga ‘di ko alam kung galit siya o
hindi.
“Okay, Class! Keep quiet!” wika nang aming guro at
tumahimik ang lahat, “My name is Teacher Marilou, this is your first day of
school and I want you to introduce yourself”.
Shocks! Nang sinabi ng guro naming na “Introduce
yourself” mas lalo akong kinabahan. Tumayo ako sa harap ng maraming tao, alam
mo ‘yung feeling na ang tahimik at lahat ng mga mata nila ay nasa iyo at
nakatitig silasa’yo at hindi mo kayang tignan sila .Sa bawat bigkas ko nang mga
letra ay nakikita ko ang kanilang mga mata, pero salamat sa Diyos at nalampasan
ko ang pagsubok na iyon. Nang nakaupo na ako sa upuan kinakabahan parin ako
‘yung pakiramdam na tingin mo ay kahit tapos kana ay tumtingin parin sila sa
iyo. Ilang oras lang ang nakalipas ay sinundo ako ng aking Ama, grabe natapos
ko rin ang unang araw ko, paano na kaya sa susunod pang araw. Lumipas ang ilang
buwan ay napagtantoko na ang hirap,sakit,pasakit at kalupitan ng buhat
estudyante. Sa bawat pasulit,takdang aralin,recitation at iba pa ay perpekto
ako, perpektong bilog. At dahil doon ay kinukutyat ako ng aking mga kaklase na
bobo daw ako,hindi marunong mag-basa at sumulat. Sobrang sakit parang tinutusok
ng karayom ang puso ko. May isang pangyayari na akala ko sa TV ko lang iyon
napapanood at nangyayari pala ito sa totoong buhay.
“Kanino ‘tong baunan?” sabi ng isa kong kaklase habang
kinukuha ang baunan ko sa bag, “akin yan!”, sabi ko, “sa iyo ito? Yuck! Ang
dumi, kunin mo Frank! Hahaha” wika ni Erika, “oh, kunin mo Anna! Kung makukuha
mo!” wika ni Frank, “akin na ‘yan!, Frank” wika ko.
At habang pinipilit ko na kunin ‘yung baunan ko ay
biglang may tinapon sa akin na papel at mga sigaw na nakakabingi doon na
lumabas ang mga patak ng luha. Nang umiiyak na ako wala na akong naririnig
kundi ang patak ng luha ko nalang, dali-dali nilang binalik ang baunan ko at
bago ko pa nakuha ay tumakbo ako sa CR at ‘dun nagkulong, pinilit kung itigil
ang pag-iyak pero hindi talaga, ang sakit na naranasan ko sa mga panahong iyon
ay tila hindi ko maintindihan. Makalipas lang ng ilang minuto ay may kumatok sa
pintuan ko.
“Anna, buksan mo ang pinto, si Sir Alrie ito” wika ni
Sir Alrie, at binuksan ko ang pinto, “ Anoba ng nangyari? Bakit ka nagkulong
inaway kaba ng kaklase mo?” sabi ni Sir Alrie, “Hindi po.” Wika ko, at
dali-daling bumalik sa silid-aralan para kunin ang bag at baunan ko.
Nang papunta ako sa silid-aralan hindi ko lubos ma-isip
kung bakit hindi ko sinabi ang totoo, na pagkakataon ko nasana iyon para makapaghiganti.
Nang pumasok ako sa silid-aralan ay tumingin lang ang mga kaklase ko na ang
naging dahilan kung bakit ako umiyak at nagkulong
“Nandyan na yung baunan mo sa bag mo” wika ni Erika
Imbes na malungkot ay medyo sumaya ako dahil naging
mabait ng kunti yung mga kaklase ko sa akin dahil sina uli nila ang baunan ko ,
natakot siguro. Alam ko kasi yung pakiramdam na kapag may nagawa ka sa isang
tao ng masama ay ang una-una mong iisipin ay baka magsumbong ‘yung tao na
ginawan mo ng masama. Lumipas rin ang ilang araw ay pareha lang rin ang pakikitungo
ng mga kaklase ko sa akin, may oras nga na nagsinunggaling ako sa Papa ko para
lang hindi ako makapasok sa eswelahan.
“O, bangon na papasok kana” wika ng Ama ko, “Pa,
masakit ulo ko absent nalang ako dito nalang muna ako matutulog” sabi ko, “Sige,
magpahinga ka at bukas papasok kana” wika niya, “opo” sabi ko.
Ang sarap sa pakiramdam kapag hindi ako nakakapasok sa
eswelahan, parang lumo-lutang ka sa ulap at walang klasemate na aaway sayo,
test na nagpapasakit sa ulo mo, at problema na iniisip mo. Pero dahil sa madalas
akong nagaabsent at paliit kung grado ay pati mga magulang ko nag-aalala sa
akin, pinilit nila akong turuan pero diko talaga kaya, kasi sila kung magtuturo
parang galit at sumisigaw sila paano ako makakatoto kung pati sila hindi
naniniwala na kaya ko. Nang nagtapos na ang Grade 1 , nagdesisyon ang mga
magulang ko na ilipat ako ng paaralan sa Manila Central School sa Grade 2,
akala ko pwede na akong magsimula doon pero hindi pa rin ako masaya, Ewan ko ba
kung anong balik nang diyos sa akin kaya nang natapos ang Grade 2, at Grade 3 binalik ako ng mga magulang ko sa
Manila Integrated School pareha lang din ‘yung mga kaklase ko, pero kaibahan
lang nasanay na ako na masaktan, hindi binibigyan ng pagkakataon matoto,
binabalewala, uhaw sa pagtanggap ng iba pero wala akong magagawa bobo ako eh.
Nang natapos ang Grade 3 ay lumipat na naman ako ng paaralanat sabay sa
paglipat nang paaralan ay lumipat kami ng bahay. Nag-aral ako ng Grade 4 ko sa
Manila Learning Center, Unang araw ko sa eskwela ay kinakabahan at walang
“self-esteem” yung takot na kinakabahan kasi bagong paaralan, kaklase, guro,
libro, uniporme, schoolmate at bagong buhay. Kaya ayaw ko sa mga bago, hindi mo
alam kung ano ang magagawa nito sa’yo wala kang alam kung anong epekto sa iyo, nakakakaba.
Nang pagpasok ko sa silid-aralan tila may nararamdaman ako, isang awra pero hindi
ko maintindihan kung ano ito, ngayon ko lang ito naramdaman. Nagsimula na ang
klase namin.
“Good morning class” wika ng guro, “Good morning, Mam.”
Wika ng lahat ng estudyante sa silid, “My name is Mrs. Esther Dagudud, I am
your teacher for this school year”.
Habang nagsasalita ang aming guro ay alam kung
ipapagawa na naman niya ang pinaka ayaw ko kapag unang araw ng klase, ayoko
talaga ito natatakot ako kapag pinapagawa ito ang “Introduce yourself”. Habang
sinasabi isa-isa ng lahat ang pangalan nila ay ako naman at papalapit na ang
oras ko para magsalita ay paihi ng paihi ako. Nang oras kona ay binilisan ko
ang pagsasalita at salamat sa Diyos nalagpasan ko ito. Di ko alam kung bakit di
parin ako sanay na sa bawat taon pinagagawa ito sa akin. Nanglumipas ang ilang
araw ay nagbasa kami ng libro.
“Okay, Where did I stop reading?!” wika ni Mam Esther
habang tinitignan ang lahat ng
estudyante sa mata at iniisa isa ang lahat na tinanong, “Mam, I don’t know”
sabi ni Josephine, “I don’t know also, Mam” wika ni Rex.
Nangtinanong na ang lahat at ako nalang ang hindi pa at
silang lahat ay nakatayo na. Hindi ako kinabahan na tatawagin ako kasi nakinig
ako, at nang tinanong ako, nasagutan ko. Puring-puri ang lahat dahil nasagutan
ko pati ang guro ko pumuri sa akin. Sakauna-unahang pagkakataon ay may
naka-appreciate sa akin ang sarap pala sa pakiramdam na pinahalagahan ka at
pinuri. Napaka saya ko sa sandaling iyon, tumitingin ang lahat sa akin ang mga
mata’y ‘di galit ang nanunuot kundi paghanga. At dahil dun ay pinahalagahan ko
na ang pag-aaral, nagaaral na akong mabuti at pinipilit kung matoto, nagkaroon
din ako ng mga kaibagan na kahit minsan hindi ko naranasan sa nakaraang eskwelahan
ko , nagkaroon ako ng sigla, pag-asa at ang pinaka mimithi ko sa buhay ang
pagtanggap. Hindi ko inaasahan na sasaya pa pala ako, tutulungan pa ng Diyos at
ngingiti ng ganito. Noon pinapangarap ko lang ito, pinapanaginip, minimithi sa
ulap ngunit hindi ko akalain na sasaya ako. Nang lumipas ang ilang buwan nagtapos na ang unang
markahan.
“Tapos na ang ating unang markahan, ngayon sasabihin ko
kung sino ‘yung nagsikap at nagtagumpay, sila ang ating honor students” wika ni
Mam Esther ,”First Hnor ay si David Flores” sabi ni mam, “wow! David ang
talino” wika ng ibang estudyante, “Second Honor Annaliza Dela Cruz” wika ni
Mam.
Sa totoo lang ang hirap ipasok sa utak ko ang nangyari,
wala akong nasabi parang masmasaya pa ito kaysa birthday ko, pasko, summer at
iba pang okasyon na dati ‘yan lang ang nagpapasaya sa akin. Habang pinupuri ako
nang lahat, ang kasiyahan ko ay hindi ko maipaliwanag. Dahil dun ay mas rumami
ang kaibigan ko. Kung noon walang nakikisabay kumain sa akin, ngayon sila pa ang
nagsasabi na sabay kaming kumain, kung noon sakit lang sa uloang hatid ko sa
magulang ko, ngayon saya hanggang ulo na. Ang laking epekto ang pagiging
tanggap ko sa lipunan na noon ay iniiyakan ko at pinangarap lang. Nang dumating
na ang Recognition day at tuluyan na akong pinarangalan na second honor.
Hanggang grumaduate ako ng Salutatorian
ng batch namin. Ang saya pala at nakakaiyak tignan na ang proud ng parents mo
sa’yo parang‘yun ang pinakamalaking
achievement sa buhay ng isang anak na maging proud ang magulang niya sa kanya.
Nang nakauwi ako sa bahay ay nagpagtanto ko na
pinangrap ko lang ito dati, iniyakan ko lang dati, hiniling ko lang ito dati at
ngayon tinupad na ng diyos ang hiling, iyak at pangarap ko dati. Kaya iba nga
talaga ang plano ng Diyos hindi kayang hulaan, sino bang mag-aakalang
naging doctor na ngayon ang isang tulad ko na nawalan ng pag-asa ngunit
binigyan ng pagkakataon na magbago. Ngayon ay tatlongpung taon na ako at isa na
akong ganap na doctor sa US may tatlong bahay sa States, apat sa Pilipinas,
dalawang Pherarri na sasakyan at limang iba pang sasakyan, may asawa na at
tatlong anak at may-ari ng isang sikat na ospital sa Pilipijnas. At tinuro ko
sa mga anak ko ang karanasan ko sa buhay na hindi mo kailangan na humiling sa
Diyos kung ano ang gusto mo, dahil bago kapa humiling alam na niya kung ano ang
kailangan mo ang dapat mo lang gawin ay tiwala,dasal at pagpapasalamat sa
kanya, dahil walang imposible sa tulong ng Diyos.