Lunes, Oktubre 26, 2015

Ang Simula
Ni Rhealyn T. Naldoza


Ang liwanag ay napapalitan na ng dilim. Araw ay nagpapaalam na at ang buwan ay paparating na kumakaway kasama ang mga bituwin.Nakatingin sa kawalan ang isang babaeng nakaupo malapit sa bintana. Ang mga mata'y namamaga at pisngi niya'y namumula, patuloy na umaagos ang luha. Inaalala ang lahat kasabay sa pagsusulat.
pribado nitong paaralan bago papasok sa kanyang unibersidad na pinapasukan at siya rin ang susundo sa uwian. Nang minsa'y papauwi na sila, nagreklamo
si Chelai na nagugutom raw siya. Kaya, nang may nakita silang nagbebenta ng bananacue ay bumili sila. Sa kasunod na mga araw, naging madalas na ang
pagbili nila ng bananacue tuwing umuuwi sila. Laging nagtatabi ng pera ang kanyang ate upang makakabili sila. Isang araw, habang sila'y kumakain, may lumapit
na batang pulubi at nagmamakaawang humihingi ng pagkain. Halos kakakagat pa lang ni Sassy sa kanyang pagkain ngunit ibinigay na lang niya ito.
Sassy sa kapatid.
siya ng buto upang makatulong sa pagtustos sa kanilang gastusin sa bahay lalo na't pumanaw na ang kanilang ama noon nakaraang taon. Siya ay nakapokus
na lamang sa kanyang trabaho at kadalasan, gabing-gabi na siya kung umuwi dahil sa pagtodo kayod. Sa kabilang banda, si Chelai naman ay nasa sekondarya
na. Inilipat siya sa pampublikong paaralan upang mas mabawas-bawasan ang kanilang gastusin. Sa paglipas ng ilang buwan, napansin ni Chelai na hindi na sila
nagkakaroon ng oras ang kanyang ate sa kanya o sa pamilya nila, 'di gaya ng dati. Kaya, nagtampo siya sa kanyang ate at hindi ito kinakausap sa mga sumunod
na araw.
kaarawan ni Chelai. Ang mesa ay puno ng handa: cake, spaghetti, salad, at marami pa. Ngunit ang nagdiriwang ng kanyang kaarawan ay nakasimangot. Lingon
ng lingon sa mga sasakyang dumadaan, nagbabakasakaling may bababa at tila may hinihintay na dumating. Ang lahat ay nag-aalala.
lahat ay napalingon sa kanyang ate na may ngiti sa labi. Ngunit sa hindi inaasahan at hindi magagandang pagkakataon, tumilapon ang regalo at nagulat ang lahat.
Ang lakas ng busina ng sasakyan. Bumilis ang takbo ng puso ni Chelai at parang dumikit ang kanyang mga paa sa kanyang kinatatayuan. Tumigil ang oras at nawala
siya sa kanyang sarili.
paligid at nakita ang kanyang nanay na nakatingin sa kawala na tila malalim ang iniisip, namamaga ang mata. Bigla niyang naalala ang nangyari bago siya napunta
sa kamang iyon.
nila ang kanilang mga gamit, nagsalita ang kanyang nanay kay Chelai.
sa atin. Hindi ibig sabihin na nawala ang iyong ama at ate ay wakas na ng lahat kundi ito'y simula lamang ng lahat. Ang simula upang magpatuloy sa bagong buhay."


"Ate, samahan mo 'ko please. Natatakot kasi ako sa mga aso diyan sa kanto", pagpupumilit ni Chelai sa kanyang ate.
"Sige na Sassy, samahan mo na 'yang kapatid mo. Iwan mo nalang muna 'yang ginagawa mo", pagkukumbinsi ng kanilang nanay kay Sassy.
"Oo na, sasamahan na kita", sagot ni Sassy.
Sinamahan ni Sassy si Chelai bumili doon sa may tindahan. Kinabukasan ay lunes at tulad ng nakagawian, ihahatid ng kanyang ate si Chelai sa
"Ang taong mapagbigay ay may mas malaking matatanggap ngunit hindi ako naghahangad ng kabayaran sa pagbibigay ko ron", bulong na sabi ni
Paglipas ng apat na taon, nakapagtapos sa pag-aaral si Sassy. Natapos niya ang kolehiyo at agad naman itong nagkaroon ng trabaho. Nagbabanat
Napansin naman ito ng kanyang ate at tinanong si Chelai,"Anong problema Chelai? Galit ka ba sa 'kin?".
"Ewan ko sa'yo!", galit na sagot ni Chelai sabay pasok sa kwarto niya.
Sinundan siya ng kanyang nanay sa kanyang kwarto.
"Chelai, buksan mo 'tong pinto. Makikinig ako sa'yo", wika ng kanyang nanay.
Binuksan niya ang pinto at tinanong siya ng kanyang nanay,"Anong problema? Nagtatampo ka sa ate dahil wala na siyang oras para sa atin?".
"Opo, nay. Namimiss ko po ang dating kami, dating tayo", wika ni Chelai.
"Intindihin mo na lang ang ate mo. Nagtatrabaho siya para naman sa'tin, para sa'yo, sa pag-aaral mo", pagpapaliwanag ng kanyang nanay.
Isang araw, punong-puno ng mga balloons ang bahay nila. Maraming tao ang pumupunta at lahat ay masaya. Ipinagdiriwang ang ikalabing-tatlong
"Chelai, anong problema? Bakit malungkot ka?", tanong ng isa niyang kaibigan.
"Ah, wala 'to", pagsisinungaling niya.
May dumaan na jeep at huminto ito. May bumaba na nagbigay liwanag sa malungkot na mukha ni Chelai.
Napangiti siya ng abot tenga at sumigaw,"Ate!!!".
Nasa harap ng kanilang bahay ang kanyang ate, may dalang malaking regalo. Ngumiti ang kanyang ate nang marining niya ang sigaw ni Chelai. Ang
Kasunod ay natagpuan nalang niya ang kanyang sarili na nakahiga sa isang kamang maputi na kung iisipin niya'y hindi niya kama. Tiningnan niya ang
"Hindi maaari!", sigaw niya sabay iyak.
Nilapitan siya ng kanyang nanay at niyakap habang umiiyak silang dalawa.
"Magiging maayos din ang lahat sa paglipas ng panahon, anak", bulong ng kanyang nanay.
Kalaunan, pagkatapos ng libing ay nagkaroon sila ng bagong kapaligiran. Lumipat sila ng bagong tirahan kung saan mas mura ang upa. Habang nilalagay
"Anak, ang lahat ng pangyayari ay may dahilan. Ang kailangan lang ay ang pagtanggap sa kung anuman ang hatid ng ihip ng hangin
Bilang pangwakas sa isinusulat ni Chelai, isinulat niya; Ito ang kwento ng buhay ko.

Ang mapagkumbabang Prinsipe
 Ni Napoleon D. Cinco

Sa isang kaharian na tinitirhan ng ntatlong prisipe at isang hari. Ang tatlong prinsipe ay maagang naulila sa kanilang ina nang iluwal niya ang hul nilang kapatidkaya sinisisi nila ang kanilang bunsong kapatid, ginawa nila itong alipin.
Isang araw naghahanda ang buongpalasyo dahil may darating na bisita galing sa ibang palasyo at kasama nila ang pinakamagandang prinsesa sa kanilang kaharian.
            “Kunin mo nga ‘yung susuutin ko mamaya, plansyahin mo na rin para maganda tignan”, sabi ng isang prinsipe sa bunso nilang kapatid.
            “Puansan mo rin ang sapatos ko para makintab pagdating ng prinsesa”, utos naman ng pangalawang prinsipe sa bunsong kapatid.
Pagdating ng prinsesa ay agad sinalubong ng dalawang prisipe ang prinsesa. Nang kumakain na sila, ang bunso nilang kapatid ay patagong tinitignan ang kagandahan ng prinsesa, pero nang makita siya ng  prisesa ay agad siyang umalis.
            “Pwede po ba akong mamasyal sa palasyo n’yo?”, tanong ng prinsesa sa hari.
            “Oo naman. Tawagin mo lang kami kung may kailangan ka”, sagot ng hari.
Agad n’ya itong hinanap at nakita n’ya sa isang sulok na nag-iisa.,
            “Ano ang ginagawa mo dito?”, tanong ng prinsesa sa prinsipe.
            “Nakakahiya naman po kung pupunta ako doon sa loob na ganito ang  itsura ko”, sagot ng prinsipe.
            “Sino ka ba?”, tanong ng prinsesa sa prinsipe.
            “Ako ang bunsong kapatip ng dalawang prinsipe sa loob”, sagot ng prisipe.
            “Bakit hindi ka nakapaghanda?”, tanong ulit ng prinsesa sa prinsipe.
            “Ginawa kasi nila akong alipin kasi namatay ang ina naming nang iluwal niya ako”, sagot naman ng prisipe.
Habang nag-uusap sila ay napagisipan ng prisipe na aliwin ang prinsesa. Naglaro sila ng naglaro hanggang sa hindi na namalayan ng prinsesa na uuwi na pala sila.
            “Ay! Uuwi na pala kami. Sa susunod ulit, ang saya mo palang kasama”, sabi ng prinsesa.
            “Sige, salmat sa pagdalaw”, sabi ng prinsipe.
Mula noon ay parati na silang nagsasama. Makalipas ang ilang taon ay nahulog na ang loob ng prinsipe sa prinsesa, gayon din ang prinsesa sa prinsipe.
Nang nag-asawa na ang kanyang mga kapatid ay kinuha na nila ang kanilang mga mana.
Makalipas ang labing-limang taon ay nagdisisyon na rin ang bunsong prinsipe na magpakasal sa prinsesa. Pero hindi gaya ng kanyang mga kapatid na kinuha ang kanilang mana.
Isang araw ay nagkasakit ang kanilang ama sa puso at dahil sa katandaan ay hindi n’ya ito nakayanan. Wala kahit isa sa kanyang mga kapatid ang tumulong sa pagpapalibing sa kanilang ama kaya sa kanya napunta lahat ng kayamanan ng kanilang ama.
Makalipas limang taon ay bumalik ang dalawa n’yang kapatid dala ang kanilag mga asawa na nagmamakaawa na patuluyin sila sa kaharian dahil naubos na ang kanilang pera.
            “O, bakit kayo naparito?”, tanong ng bunsong kapatid sa kanyang dalawang kapatid.
            “Pwede ba kaming makituloy sa palasyo?”, pakiusap ng dalawang kapatid sa kanilang bunsong kapatid.
            “Bakit hindi? Bahay natin ‘to, pasok na kayo”, sabi ng bunsong prisipe.
Hangang-hanga ang dalawa n’yang kapatid dahil sa lahat ng pasakit at hirap na binigay sa kanya ng kanyang mga kapatid ay nakuha pa n’ya itong tanggapin. 

Sabado, Oktubre 24, 2015



                              Isang Kidlat

ni Millenio V. Dela Cruz

Umabot na ba kayo sa isang pun to ng inyong buhay na kayo'y nawalan ng pag-asa?Wala na kayong maibuga, pilit ina-abot ang isang bagay na imposibleng makuha?Uumpisahan natin ang kwento sa sang munting bahay.  

   Nakakabinging tunog ang bumungad sa isang binatilyo, ito na ang ikatlong alarm nag kaniyang alarm clock, tila walang imik ito at mistulang tulo laway pa sa himbing ng kaniyang pagkaka tulog.'Rinig niya ang tunog ng dagundong ng sahig na papalapit sa kaniyang maliit na kwarto.Isang dabog na lika ng malakas na pag-bukas ng pinto sabay isang boses ang maririnig na likha ng kaniyan nanay;  
"Hoy!Gumising kana!Ano?!papasok ka ba o hindi?! ay anak ng..." Malakas na pagbigkas ng kaniyang nanayu na tila mas maingay pa sa kaniyang alarm clock. 

  Unang araw sa eskwela g binatilyo.Muntik pa siyang masirhan ng pinto sa skwela dahil ilang oras na siyang late.Nagmumukhang red carpet ang kanilang hallway dahil mag-isa lang siyang naglalakad na parang walang paki-alam sa oras.Nakapasok na siya sa kanilang classroom at maririnig mo ang mga bungisngis ng mga kaklase niyang babae,dahil dito ay napansin siya ng professor niya at sinabihang;  
"Abay, ang aga niyo naman po, munting ginoo" Sarkastikong sabi ng kaniyang professor. 
Nabaling ang atensyon ng kaklase sa kaniya at lalong ang isang magandang babae na naka-upo sa sulok.Agad-agad niyang napansin ang babaeng maputi,mataas ang buhok at singtangos ng mt. Apo ang ilong.
Naka-upo ang mga estudyante at inutusan ng professor na isa-isang magpakilala sa estudyante.  
Iba't-ibang klase ng estudyante ang nagpakilala, may mga Middle class,Upper,at karamihan ay lower class na mag-aaral, halo halo ang klase na tao sa kanilang classroom,ngunit sa isang babae lang talaga nabaling ang tingin ng binatilyo.Nagpakilala na ang binatilyo at pahirit niyang linya na  
"Di bale ng ma late basta kumpleto ang tulog" wika ng binatilyo na tila nagpapatawa.  
Naghalakhakan ang buong klase,sumabay na rin ang kaniyang professor ngunit walang makakatumbas sa saya ng binatilyo nang makita niya ang babae na ngumiti sa kaniya.  
Pagkatapos ng klase ay nagpakilala ang binatilyo sa babae, Sa una ay medyo nagkaka-ilingan pa ang dalawa ngunit tumagal ay naging komportable din sila sa isa't isa.Nag bago ang binatilyo ng kaniyang ugali dahil sa babae at hanggang noon ay hindi na siya na late sa klase.

Pangarap kong Panaginip

Ni Bridget S. Fabre

Sa isang bayang nginingitian ng haring araw tuwing umaga at sinisilip ng buwa’t mga bituin sa gabi ay masayang namumuhay ang mga tao. Gumigising sila araw-araw, umaasang maliwanagan ng araw ang kanilang kinabukasa’t makamtan ang kanilang pangarap na bituin.
“Claire, gumising ka na at kakain na tayo.” Sabi ng nanay ni Claire.“Opo ina.” Sagot ni Claire.Bumaba na si Claire at nagsimula nang kumain. Pagkatapos kumain ay lumabas siya upang pagmasdan ang ginagawa ng mga tao, tulad ng ginagawa niya kada umaga. Ngunit, nang kalaunan ay nabagot lang din siya dahil walang kakaiba ang nangyayari at katulad lang ng mga nagdaang araw.“Paulit-ulit nalang ang pinaggagawa nila, nakakabagot. Makatulog na nga lang ulit.” Sabi niya sa sarili at pumanhik na pabalik sa kanyang kwarto.Nagising siya dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha niya.“Anong oras na ba? Bakit ang liwanag na sa labas?” Tanong niya sa kanyang sarili.Bumaba siya at tiningnan ang nangyayari subalit nagulat siya sa kanyang nakita sapagkat lahat ng tao ay natuto nang magtrabaho.“Tara, magtrabaho na tayo.”“Oo nga tara, para makamit natin ang ating pangarap.” Ilan lang yan sa mga naririnig niyang usap-usapan. “Kung ito’y panaginip ay ayoko nang magising…” napakanta siya dahil sa tuwa.“Ngunit diba mas maganda ang mamuhay sa totoong mundo kesa sa isang panaginip?” sabi ng isang estranghero.“Sino ka? At oo mas mainam nga ang mamuhay sa totoong mundo ngunit kung ganito naman kaganda ang aking panaginip kung saan natutupad naming lahat an gaming mga pangarap ay mas mainam ng manatili nalang ako rito.” Sagot ni Claire sa estranghero.
“Hindi na importante kung sino ako, basta ang masasabi ko lang sayo, ang pagtupad ng pangarap ay parang pagkuha ng isang bituin mula sa kalangitan, wala kang mararating kung patuloy mo lang itong tititigan at makukuntento ka nalang sa pagtanaw rito, kaya gumising ka Claire. Gising Claire!”“Claire! Claire gising!”Nagising si Claire sa pagyugyog sabay sigaw ng kanyang ina.“Ayos ka lang ba anak?” tanong ng kanyang ina.“Opo ina, nanaginip lang po.” Sagot ni Claire.“O sige, bumaba na tayo at maghahapunan na.”Bumaba na sila at kumain na nag hapunan. Pagkatapos nilang kumain ay lumabas sila’t nakisali sa kasiyahang nangyayari. Nagsayawan ang lahat habang nakapalibot sa isang malaking sulo, tulad ng ginagawa nila gabi-gabi. Isa-isa silang pumunta sa gitna upang ipahayag ang kanilang mga pangarap sa buhay. Nang si Claire na ang magsasalita ay pumunta rin siya sa harapan at sinabi ang gusto niyang sabihin.“Pangarap kong umasenso sa buhay, katulad ninyong lahat. Ngunit may ginagawa ba tayong paraan upang matupad ito? Wala. Dahil nakuntento na tayo sa hanggang pangarap lang. kung gusto talaga nating maranasan kung paano talaga ang totoong mangarap, kailangan nating magsikap upang makamit ito. Dahil ang pagtupad ng pangarap ay parang pagkuha ng isang bituing nasa langit, mukhang imposible ngunit makakamtan natin ito kung magsusumikap tayo.”Pagkasabi niya sa mga salitang yun ay pumasok na siya sa bahay nila. Kinabukasan ay nagising siya dahil sa ingay na nanggagaling sa labas. Pagsilip niya sa bintana niya ay nagulat siya sapagkat nagtatrabaho na ang mga tao at unti-unti na nilang tinutupad ang kanilang mga pangarap.

                        Ang Plano

Ni Alyanna Marie A. Rivera

Sa buhay may maraming pagsubok ang binibigay ng Diyos sa atin. Kung minsan nga hindi natin alam kung bakit natin ito nararanasan “it’s either a blessing or a curse” pero ang sigurado diyan ay hindi ito ibibigay ng Diyos kung hindi ito makakatulong sa atin o maging gabay upang magtagumpay tayo sa buhay. Dahil sa mga pagsubok ay unti-unting nawawala ang tiwala sa Diyos at sinisisi natin Siya sa lahat ng kamalasan sa buhay natin pero dapat tayong maniwala na may plano ang Diyos para sa atin at may dahilan kung bakit natin ito nararanasan at iiyak ka nalang at magpapasalamat kasi binigay ng Diyos ang pagsubok na iyon sayo na kundi dahil dun hindi ka magtatagumpay.
Unang araw ko sa klase bilang isang Grade 1 na estdyante sa Manila Integrated School, hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman tila lalabas na ang puso ko sa kaba, basang-basa na ang aking kamay sa pawis ng kanyerbyosan at parang may isang mabigat na bagay sa aking katawan na naging dahilan upang hindi ako makakilos. Patingin-tingin ako sa paligid habang hawak ko ang  kamay ng aking Ama at pinasok niya ako  sa isang kwuarto na maraming bata.At lumabas ang isang babae.
Sabi ng Ama ama ko, “oh, Anna magpakabait ka ha, aalis muna ako babalikan kita mamaya” wika ng Ama ko, ‘’Opo, Pa.” wika ko naman, pagkatapos sinabihan ako ng isang babae na “ halika na ,Anna? Pasok na tayo ako pala ang iyong guro.”
Hindi ko alam kung bakit hindi ako umiyak nang iniwan ako ni Papa, ang nararamdaman ko lang ay kaba sobrang kaba. Nang pumasok na ako sa kwuarto na maraming bata ay pinaupo ako ng guro naminsa isang silya at katabi ko ang mga bata na kasing edad ko lang. Maya-maya ay biglang may sumigaw, sigaw na pumukaw sa aking mga tenga ‘di ko alam kung galit siya o hindi.
“Okay, Class! Keep quiet!” wika nang aming guro at tumahimik ang lahat, “My name is Teacher Marilou, this is your first day of school and I want you to introduce yourself”.
Shocks! Nang sinabi ng guro naming na “Introduce yourself” mas lalo akong kinabahan. Tumayo ako sa harap ng maraming tao, alam mo ‘yung feeling na ang tahimik at lahat ng mga mata nila ay nasa iyo at nakatitig silasa’yo at hindi mo kayang tignan sila .Sa bawat bigkas ko nang mga letra ay nakikita ko ang kanilang mga mata, pero salamat sa Diyos at nalampasan ko ang pagsubok na iyon. Nang nakaupo na ako sa upuan kinakabahan parin ako ‘yung pakiramdam na tingin mo ay kahit tapos kana ay tumtingin parin sila sa iyo. Ilang oras lang ang nakalipas ay sinundo ako ng aking Ama, grabe natapos ko rin ang unang araw ko, paano na kaya sa susunod pang araw. Lumipas ang ilang buwan ay napagtantoko na ang hirap,sakit,pasakit at kalupitan ng buhat estudyante. Sa bawat pasulit,takdang aralin,recitation at iba pa ay perpekto ako, perpektong bilog. At dahil doon ay kinukutyat ako ng aking mga kaklase na bobo daw ako,hindi marunong mag-basa at sumulat. Sobrang sakit parang tinutusok ng karayom ang puso ko. May isang pangyayari na akala ko sa TV ko lang iyon napapanood at nangyayari pala ito sa totoong buhay.

“Kanino ‘tong baunan?” sabi ng isa kong kaklase habang kinukuha ang baunan ko sa bag, “akin yan!”, sabi ko, “sa iyo ito? Yuck! Ang dumi, kunin mo Frank! Hahaha” wika ni Erika, “oh, kunin mo Anna! Kung makukuha mo!” wika ni Frank, “akin na ‘yan!, Frank” wika ko.
At habang pinipilit ko na kunin ‘yung baunan ko ay biglang may tinapon sa akin na papel at mga sigaw na nakakabingi doon na lumabas ang mga patak ng luha. Nang umiiyak na ako wala na akong naririnig kundi ang patak ng luha ko nalang, dali-dali nilang binalik ang baunan ko at bago ko pa nakuha ay tumakbo ako sa CR at ‘dun nagkulong, pinilit kung itigil ang pag-iyak pero hindi talaga, ang sakit na naranasan ko sa mga panahong iyon ay tila hindi ko maintindihan. Makalipas lang ng ilang minuto ay may kumatok sa pintuan ko.
“Anna, buksan mo ang pinto, si Sir Alrie ito” wika ni Sir Alrie, at binuksan ko ang pinto, “ Anoba ng nangyari? Bakit ka nagkulong inaway kaba ng kaklase mo?” sabi ni Sir Alrie, “Hindi po.” Wika ko, at dali-daling bumalik sa silid-aralan para kunin ang bag at baunan ko.
Nang papunta ako sa silid-aralan hindi ko lubos ma-isip kung bakit hindi ko sinabi ang totoo, na pagkakataon ko nasana iyon para makapaghiganti. Nang pumasok ako sa silid-aralan ay tumingin lang ang mga kaklase ko na ang naging dahilan kung bakit ako umiyak at nagkulong
“Nandyan na yung baunan mo sa bag mo” wika ni Erika
Imbes na malungkot ay medyo sumaya ako dahil naging mabait ng kunti yung mga kaklase ko sa akin dahil sina uli nila ang baunan ko , natakot siguro. Alam ko kasi yung pakiramdam na kapag may nagawa ka sa isang tao ng masama ay ang una-una mong iisipin ay baka magsumbong ‘yung tao na ginawan mo ng masama. Lumipas rin ang ilang araw ay pareha lang rin ang pakikitungo ng mga kaklase ko sa akin, may oras nga na nagsinunggaling ako sa Papa ko para lang hindi ako makapasok sa eswelahan.
“O, bangon na papasok kana” wika ng Ama ko, “Pa, masakit ulo ko absent nalang ako dito nalang muna ako matutulog” sabi ko, “Sige, magpahinga ka at bukas papasok kana” wika niya, “opo” sabi ko.
Ang sarap sa pakiramdam kapag hindi ako nakakapasok sa eswelahan, parang lumo-lutang ka sa ulap at walang klasemate na aaway sayo, test na nagpapasakit sa ulo mo, at problema na iniisip mo. Pero dahil sa madalas akong nagaabsent at paliit kung grado ay pati mga magulang ko nag-aalala sa akin, pinilit nila akong turuan pero diko talaga kaya, kasi sila kung magtuturo parang galit at sumisigaw sila paano ako makakatoto kung pati sila hindi naniniwala na kaya ko. Nang nagtapos na ang Grade 1 , nagdesisyon ang mga magulang ko na ilipat ako ng paaralan sa Manila Central School sa Grade 2, akala ko pwede na akong magsimula doon pero hindi pa rin ako masaya, Ewan ko ba kung anong balik nang diyos sa akin kaya nang natapos ang Grade 2, at  Grade 3 binalik ako ng mga magulang ko sa Manila Integrated School pareha lang din ‘yung mga kaklase ko, pero kaibahan lang nasanay na ako na masaktan, hindi binibigyan ng pagkakataon matoto, binabalewala, uhaw sa pagtanggap ng iba pero wala akong magagawa bobo ako eh. Nang natapos ang Grade 3 ay lumipat na naman ako ng paaralanat sabay sa paglipat nang paaralan ay lumipat kami ng bahay. Nag-aral ako ng Grade 4 ko sa Manila Learning Center, Unang araw ko sa eskwela ay kinakabahan at walang “self-esteem” yung takot na kinakabahan kasi bagong paaralan, kaklase, guro, libro, uniporme, schoolmate at bagong buhay. Kaya ayaw ko sa mga bago, hindi mo alam kung ano ang magagawa nito sa’yo wala kang alam kung anong epekto sa iyo, nakakakaba. Nang pagpasok ko sa silid-aralan tila may nararamdaman ako, isang awra pero hindi ko maintindihan kung ano ito, ngayon ko lang ito naramdaman. Nagsimula na ang klase namin.
“Good morning class” wika ng guro, “Good morning, Mam.” Wika ng lahat ng estudyante sa silid, “My name is Mrs. Esther Dagudud, I am your teacher for this school year”.
Habang nagsasalita ang aming guro ay alam kung ipapagawa na naman niya ang pinaka ayaw ko kapag unang araw ng klase, ayoko talaga ito natatakot ako kapag pinapagawa ito ang “Introduce yourself”. Habang sinasabi isa-isa ng lahat ang pangalan nila ay ako naman at papalapit na ang oras ko para magsalita ay paihi ng paihi ako. Nang oras kona ay binilisan ko ang pagsasalita at salamat sa Diyos nalagpasan ko ito. Di ko alam kung bakit di parin ako sanay na sa bawat taon pinagagawa ito sa akin. Nanglumipas ang ilang araw ay nagbasa kami ng libro.
“Okay, Where did I stop reading?!” wika ni Mam Esther habang tinitignan  ang lahat ng estudyante sa mata at iniisa isa ang lahat na tinanong, “Mam, I don’t know” sabi ni Josephine, “I don’t know also, Mam” wika ni Rex.
Nangtinanong na ang lahat at ako nalang ang hindi pa at silang lahat ay nakatayo na. Hindi ako kinabahan na tatawagin ako kasi nakinig ako, at nang tinanong ako, nasagutan ko. Puring-puri ang lahat dahil nasagutan ko pati ang guro ko pumuri sa akin. Sakauna-unahang pagkakataon ay may naka-appreciate sa akin ang sarap pala sa pakiramdam na pinahalagahan ka at pinuri. Napaka saya ko sa sandaling iyon, tumitingin ang lahat sa akin ang mga mata’y ‘di galit ang nanunuot kundi paghanga. At dahil dun ay pinahalagahan ko na ang pag-aaral, nagaaral na akong mabuti at pinipilit kung matoto, nagkaroon din ako ng mga kaibagan na kahit minsan hindi ko naranasan sa nakaraang eskwelahan ko , nagkaroon ako ng sigla, pag-asa at ang pinaka mimithi ko sa buhay ang pagtanggap. Hindi ko inaasahan na sasaya pa pala ako, tutulungan pa ng Diyos at ngingiti ng ganito. Noon pinapangarap ko lang ito, pinapanaginip, minimithi sa ulap ngunit hindi ko akalain na sasaya ako. Nang  lumipas ang ilang buwan nagtapos na ang unang markahan.
“Tapos na ang ating unang markahan, ngayon sasabihin ko kung sino ‘yung nagsikap at nagtagumpay, sila ang ating honor students” wika ni Mam Esther ,”First Hnor ay si David Flores” sabi ni mam, “wow! David ang talino” wika ng ibang estudyante, “Second Honor Annaliza Dela Cruz” wika ni Mam.
Sa totoo lang ang hirap ipasok sa utak ko ang nangyari, wala akong nasabi parang masmasaya pa ito kaysa birthday ko, pasko, summer at iba pang okasyon na dati ‘yan lang ang nagpapasaya sa akin. Habang pinupuri ako nang lahat, ang kasiyahan ko ay hindi ko maipaliwanag. Dahil dun ay mas rumami ang kaibigan ko. Kung noon walang nakikisabay kumain sa akin, ngayon sila pa ang nagsasabi na sabay kaming kumain, kung noon sakit lang sa uloang hatid ko sa magulang ko, ngayon saya hanggang ulo na. Ang laking epekto ang pagiging tanggap ko sa lipunan na noon ay iniiyakan ko at pinangarap lang. Nang dumating na ang Recognition day at tuluyan na akong pinarangalan na second honor. Hanggang  grumaduate ako ng Salutatorian ng batch namin. Ang saya pala at nakakaiyak tignan na ang proud ng parents mo sa’yo  parang‘yun ang pinakamalaking achievement sa buhay ng isang anak na maging proud ang magulang niya sa kanya.


Nang nakauwi ako sa bahay ay nagpagtanto ko na pinangrap ko lang ito dati, iniyakan ko lang dati, hiniling ko lang ito dati at ngayon tinupad na ng diyos ang hiling, iyak at pangarap ko dati. Kaya iba nga talaga ang plano ng Diyos hindi kayang hulaan, sino bang mag-aakalang naging doctor na ngayon ang isang tulad ko na nawalan ng pag-asa ngunit binigyan ng pagkakataon na magbago. Ngayon ay tatlongpung taon na ako at isa na akong ganap na doctor sa US may tatlong bahay sa States, apat sa Pilipinas, dalawang Pherarri na sasakyan at limang iba pang sasakyan, may asawa na at tatlong anak at may-ari ng isang sikat na ospital sa Pilipijnas. At tinuro ko sa mga anak ko ang karanasan ko sa buhay na hindi mo kailangan na humiling sa Diyos kung ano ang gusto mo, dahil bago kapa humiling alam na niya kung ano ang kailangan mo ang dapat mo lang gawin ay tiwala,dasal at pagpapasalamat sa kanya, dahil walang imposible sa tulong ng Diyos.

Taong 1974-1975

Ni Neil Anthony Abad

Pasukan na sataong ito at nasa 2nd year high school na ako. Sauna naninibago pa ako dahil na rin alam kong iba na naman ang mga kaklase ko at sa taong ito lumipat ako ng ibang paaralan. Sa araw na iyon dumeritso na ako sa classroom namin at nanroon lan gako,nakatulalalang at naghihintay na matapos na ang araw. Sa bawat minutong lumilipas ay nadadagdagan kaming mga mag-aaral sa loob ng classroom at kahit na marami na kami doon sa loob ay nandon pa rin ako sa sulok nakatulala.Habang nandon ako nagmumukmok, bigla nalang may pumasok, isang babaeng may napakalakas na epektosa akin,dahil sumikip and dibdib kobigla at bigla nalang nawala ang isipan ko at hindi ko alam kung bakit, sinasabing isipan ko nalumapit ako para magpakilala ngunit hindi ko kaya,dahil parang may pumipigil sa akin. Sa oras na iyon tinawag na kami isa-isa upang magpakilala ngunit s alahat ng nagpakilala may isa talagang pinagtuunan ko ng pansin at siyayun.Pagkatapos ng pagpapakilala ay umupo na siya sa kanyang upuan at sa pwestong kanyanginuupuan ay kitang-kita ko siya. Nag daan ang mga araw at unti-unti ko na siyang nakikilala, ginawa ko ang lahat para lang mapansin niya ako at hindi naman nasayang ang pagpapapansin kodahil pinansin naman niya ako, hindi sa paraan na napapagalitan ako o kaya naman ako ay bumagsak sa isang pagsusulit kundi dahil sa ipinapakita kung kabutihan sa iba’t-iba ko pang mgakaklase at pati narin sa mga kuha ko sa mga exams namalalaki. Sa bawat araw na lumilipas mas naging “close” kami sa isa’t-isa at habangkami’y nag-uusap hindi mukha o kaya naman bibig ang tinitignan ko kundi ang mga malabituin niyang mga mata, at kapag tapos na siyangmag salita tinatanong niya ako kung ano ang pinag-usapan namin at hindi ako makasagot dahil nawawalana ako sa aking isipan.Sa bawat projects na mayroon ako ay tinutulongan niya ako at tinutulungan ko rin siya. Siya ang nagbigay sa akin ng inspirasyon upang mas pagbutihin pa ang akingpag-aaral at mas pahalagahan ang pamilya sa kahit na anong bagay. Maraming araw ang lumipas at hindi ko na malayan na unti-unti na pala siyang nagkakagusto sa akin dahil ito sa mga sulyap niyang tingin sa akin at sa mga kinikilos niya ng hindi komaintindihan.Marso 19 taong 1975, tinawag kosiya at pinaupo at sinabi ko na lahat ng aking nararamdaman, pagkatapos ko na sinabi ang lahat biglang sumikip ang dib-dib ko dahil sa kaba baka ma “reject” ako ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, inamin niya rinsa akin na gusto niy aako at tuwang-tuwaako at doon na nagsimula lahat, pagsisikap, pagpupursigi sa pag-aaral, ang pagmamahal sa pamilya na walang katumbas nakahitano at syempre ang paghihintay sa mga minamahal mong gusto ng makasama habangbuhay.